[Babala: Sensitibong Nilalaman – Pagpapatiwakal]

Isang 16-anyos na dalagita ang nasawi matapos umanong barilin ang sarili sa harap mismo ng kanyang ina sa kanilang tahanan sa Balamban, Cebu.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Balamban Police Station, naganap ang insidente matapos umanong mapagalitan ang dalagita dahil sa madalas niyang pag-uwi nang gabi.

Ayon sa mga ulat, ipinaabot ng ama na nasa Maynila ang kanyang mga obserbasyon sa ina tungkol sa ginagawa ng kanilang anak.

Nang makumpirma ng ina mula sa guro ng dalagita na lumiliban din ito sa klase, agad siyang umuwi sa Cebu upang kausapin ang anak.

Pagdating sa kanilang bahay, pumasok sa kwarto ang ina upang kausapin ang dalagita.

Sa hindi inaasahang pangyayari, bigla umanong kumuha ng baril ang dalagita, itinutok ito sa kanyang ulo, at ipinutok.

Agad siyang isinugod sa ospital ngunit idineklarang patay kalaunan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng ginamit na baril at ang iba pang detalye sa insidente.


Paalala: Kung ikaw o may kilala kang nahaharap sa matinding emosyonal na suliranin, huwag mag-atubiling humingi ng tulong. Maaaring tumawag sa anumang lokal na crisis hotline sa inyong lugar.