Nakumpirma sa imbestigasyon ng pulisya na ginahasa at pinatay ang isang dalaga sa Barangay Owak, Calinog, Iloilo na una umanong inakalang nagpakamatay.
Ang biktima ay 18 taong gulang, habang ang suspek ay mismong tiyuhin niya na 27 taong gulang.
Ang suspek ay residente ng naturang lugar at ikalawang pinsan ng ina ng biktima.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Major Myles Dieron, hepe ng Calinog Municipal Police Station, sinabi niyang nakatanggap sila ng tawag mula sa isang ospital dahil may dinalang pasyente na umano’y nagpakamatay.
Sa isinagawang imbestigasyon, natuklasan na sinakal ang biktima na siyang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Sinugatan din ng suspek ang pulso ng biktima upang iligaw ang imbestigasyon ng pulisya at magmukhang walang foul play.
Nang lumabas ang resulta ng autopsy, doon na at biglang nawla angtiyuhin na sa panahong iyon ay itinuturing na palang person of interest sa krimen.
Kalaunan, sumuko ang suspek sa pulisya at inamin ang krimeng nagawa.
Inihahanda na ang kasong rape with homicide laban sa kanya.
Mayroon na ring dating rekord ang suspek sa pulisya dahil sa paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 noong Agosto 2025.














